Tuesday, August 21, 2007

TonTon Kariton!

Some pics from the Legendary Comicbook Heroes Toy Launch last Saturday (August 18, 2007) at Toy Palace Farmers Cubao. Direk Avid Liongoren and I have no plan to join the art contest, but when they said that the raffle would resume in a while, we just decided to join for the fun of it. Pamatay oras nga ika nga.



Tonton Kariton was drawn in a span of 30 minutes or less. Everyone knows that I'm obsessed with Iron Man and this character is my tribute to him. Tonton is a mix of TONy Stark and Calvin & Hobbes. There's no backstory about this kid, it's just something I drew to kill some time. I only thought about this character after seeing Avid's photo of him in his MULTIPLY.



Si TonTon Kariton

Si Tonton ay isang batang mahirap. Hindi siya makabili ng sarili niyang laruan dahil kapos sa pera ang mga magulang niya. Lagi siyang pinagtatawanan ng mga kalaro niya dahil, ang mga laruan niya ay gawa lamang sa ginupit na kahon. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Tonton ay isang batang malikhain na mahilig gumawa ng kung anu-anong bagay mula sa basura. Ang kanyang obra maestra ay isang malaking robot na gawa sa kahon. Napapagalaw niya ito sa pamamagitan ng mga pusa, insekto at dagang nakatira sa loob nito. Isang gabi ay sinakyan ni Tonton ang ang kanyang Robot Kariton. Tamang-tama nakita ito ng mga akyat bahay sa kanilang kalye na may masamang balak. Natakot ang mga kumag at kumaripas ng takbo dahil ang laki laki ng robot. Simula noon ay nagro-ronda gabi-gabi si Tonton sakay ng kanyang Robot Kariton upang ipagtanggol ang parokya nila sa mga masasamang loob.



pics courtesy of www.afhub.com and Avid

by the way, after someone won the major price in the raffle, we left without knowing the fate of our artworks.

No comments: