Wednesday, August 22, 2007

Miss Na Kita Morning Motivation# 1

Ever since I filed a one month vacation leave last May - June 2007, I haven't seen morning motivation# 1.

Here's a lame celfone picture pic of morning motivation# 1

Morning motivation# 1

How lame could it get? A friggin' picture of the back of her head.
Ok, tagalog language in the third person perspective story coming up... sorry for my international fans (naks, as if.)

"Si morning motivation# 1 or Miss Imperial (hango sa dating gusali na kinatatayuan ng Shopwise Antipolo) ang babaeng muling nagpatibok ng puso ni Reinard. Hindi kilala ni Reinard ang babaeng ito, ngunit kilala niya lang ito sa kanyang pagmumukha. Dati ay madalas silang nagkakasabay sa sakayan ng FX patungong Ayala tuwing 8:30 hanggang 9:15 ng umaga. Kilig na kilig si Reinard tuwing nagkakasabay sila, lalo na pag nagtatabi sila sa upuan. Sa PBCOM Ayala siya bumababa, pero kung hihinto ang shuttle sa Tower One Ayala, dun siya bababa para sumakay pa ng jeep (Washington ata sinasakyan niya o 'di kaya'y Zapote). Ilang beses na rin silang nagkakangitian ni Reinard tuwing sabay nilang sinasabi: "Sa PBCOM lang po!"

May kasintahan si Morning Motivation# 1 (nakita na ni Reinard sa pilahan ng valley golf terminal sa Ayala). Si Reinard naman ay may asawa (hindi lang niya alam kung alam ito ni morning motivation). So talagang hindi puwede, may sabit na pala ang gagong si Reinard. Isa lang ang pinagtataka ni Reinard, bakit kaya hindi sumasakay si Morning Motivation ng diretsong Antipolo pauwi? Laging bumababa si Morning Motivation#1 sa Valley Golf. Madalas din silang magkita sa Shopwise Antipolo tuwing nag-go-grocery. Mahilig mag-grocery si Reinard ng nag-iisa, therapy ito para sa kanya.

Isang araw ay pinayagang mag-leave si Reinard ng isang buwan. Nung pagkabalik niya sa kanyang mahabang bakasyon ay 'di na sila muling nagkasabay ni morning motivation# 1. Kamakailan lang ay nag-iisang nakasakay si Reinard sa service ni Donald Sibaca (isa sa mga driver ng shuttle sa Antipolo). Siyempre nagkuwentuhan sila tungkol sa trabaho ni Reinard, at nabanggit ng binata (naks) na advertising ang linya ng kanyang trabaho. Biglang naalala ni Donald ang isa pang babaeng pasahero na ang linya rin ng trabaho ay sa advertising, at madalas din daw kaming magkasabay. Nabanggit din ni Donald na hindi na niya naisasakay ang babaeng ito. Pagkakaalam niya ay nagdadalangtao na daw ang babaeng kinukuwento niya.

Si Morning Motivation# 1 na kaya ang babaeng iyon? Nag-asawa na pala siya? Siya ba talaga ang babaeng tinutukoy ni Donald? Hay. Napahanap tuloy si Reinard sa listahan ng mga bloggers na taga-antipolo. Marami siyang natuklasang nagba-blog na taga-antipolo. May mga kakilala pa nga siya na dati'y mga school mates niya noong hayskul pa lang siya. At maraming magagandang antipolo girls na nagba-blog, sayang lang at hindi ito updated.


Miss na kita Morning Motivation# 1.
(oo alam ito ng misis ko)
siyempre pag may #1, may number 2 motivation din, pero yun... ibang kuwento na.

No comments: